Ni-rape ng Pinsan

Sulat mula kay Anna ng Blumentritt, Murcia,  Negros Occidental

Dear Sir Greenfield,

Ako po ay taga-Negros at bitikma po ako ng panghahalay ng pinsang buo ko na sobrang tiwala ko sa kanya yon pala ay pinagbabalakan nya ako ng masama. Dahil paulit-ulit nya po itong ginawa sa akin, kaya nagpasya akong lumayas sa amin at nanilbihan bilang katulong dito sa isang lugar na malayo sa amin. Sa ngayon po ay may boyfriend ako, pero hindi nya pa alam ang aking nakaraan. Natatakot akong ipagtapat sa kanya ito kasi baka kapag nalaman niyang may nakaraan na ako ay iwanan na niya ako. Mahal na mahal ko po siya, kaya nalilito ako kung dapat ko na bang ipagtapat sa kanya ang aking nakaraan o wag na lang at hayaan kong malaman niyang hindi na ako virgin sa sandaling mag-asawa na kami. Sa ngayon kasi inaaya na nya akong magpakasal, Ano po ba ang dapat kong gawin? Kahit kaya malaman niyang hindi na ako virgin, hindi kaya magbago ang pagtingin nya sa akin o baka naman iwanan na lang niyang akong bigla na hindi ko kayang tanggapin? Sana mabigyan nyo ako ng magandang advice kung ano ang mangyayari sa love life ko at kung makapag-aasawa pa kaya ako? February 13, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Anna Negros Occidental

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang gaanong magiging problema anoman ang mangyari sa inyo ng boyfriend mo sa kasalukuyan sapagkat iisa lang naman ang matino at magandang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, ipagtapat mo man o panatiliin mong lihim ang panghahalay sa iyo ng iyong pinsan, hindi parin iyon makaka-apekto sa takdang kapalaran – makapag-aasawa ka at magkakaroon ka parin ng isang normal at maligayang pagpapamilya.
Cartomancy:
Ace of Spades, Ace of Harts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing “ang nakaraan ay nakaraan na” kung saan, “ang mas mahalaga ay ang kasalukuyan at ang darating’. Nakatakda na ang magaganap sa “future”, nakatakda kang makapag-asawa at magkakaroon ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Itutuloy…

Read more...