HOROSCOPE, March 14, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Tatlong bagay ang nagpapayaman sa iyo: Ang pagdating ng kasuyong mapera; Ang pag-aabroad at ang pagnenegosyo. Alin man sa tatlo ang magawa mo, sa edad mong 41 pataas, mayamang-mayaman ka na! Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Anomang talento ang tinataglay kailangang gamitin ito sa kabutihan. Sa pinansiyal, iwasan mandaya ng kliyente. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng mahusay na boladas, mapapa-Oo mo na ang kasuyo sa isang bagay na matagal mo ng hinihingi. Mapalad ang 5, 14, 20, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Violet at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal at pag-ibig, hindi ikaw ang dapat nasusunod kundi ang iyong kasuyo upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata.” Red at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sayong pagbabalik, mainit na romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at navy blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag kang tamad, iwasan ang bisyong puro pagkain at pagpe-facebook. Walang mabuting idudulot sayo ang mga bagay na yan. Kailangan magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan din sa iyong bisyo – magluto ng masasarap at kakaibang pagkain. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Blue at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Pakikipag-sosyalan ang kailangan upang wag ma-boring ang buhay. Sa pag-ibig, isama ang kayuso sa isang social gathering. Sa isang pagtitipon, pareho kayong magkakapera. Mapalad ang 2, 17, 28, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Aum-Arkaye-Om.” Lilac at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag magpuyat dahil sa kape-Facebook. Alagaan ang iyong kalusugan, dahil kung magkakasakit ka paano ka kikita ng maraming pera? Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong palaging nangungulit: “Pahinga muna mahal!” Mapalad ang 5, 19, 28, 37, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pad-Me-Om”. Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Huwag pansinin ang mga naninira. Kaya hindi ka kumikita ng malaking halaga, pinapatulan mo kasi ang mga intriga. Sa pag-ibig, isang kaibigan ang aagaw ng iyong minamahal. Wag kang papayag, ipaglaban ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 6, 18, 28, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nosi-Balasi.” Yellow at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo. Yan talaga ang role mo sa mundo – ang magparaya. Sa pinansiyal, isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya magbayad, talagang ganon ang buhay, mayroon talagang mga taong manunuba! Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Om-Pad-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kalimutan ang mga pangit na nagdaan! Harapin ang bagong araw na may sigla at pag-asa. Sa bagong produktong may kaugnayan sa kumunikasyon kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, painitin siya sa romansa. Mapalad ang 1, 8, 17, 24, 34, 35. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Doysa-Om.” Red at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy mas madaling lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, ang wagas na pagiibig parin ang mananig sa dakong huli. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Rama-Govinda!” Black at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ang sariling pamilya ang dapat asikasuhin bago ang iba! Sa pinansiyal at sa pag-ibig, wag masyadong maging mabait sa mga kaibigan, dapat ka ring maging mabuti sa iyong mga ka-dugo. Mapalad ang 4, 16, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Lilac at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Salapi ang dapat pahalagahan. Gumising ng maaga, at isulat sa malinis na notebook ang mga paraan kung paano magkakapera. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa minamahal ang kahalagahan ng pagiging materyoso. Mapalad ang 7, 16, 87, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” Green at magenta ang buenas.

Read more...