Kathryn may hiling sa 19th b-day

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

SIMPLE lang ang wish ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa kanyang 19th birthday sa March 26 – ang makasama ang pamilya at mga malalapit niyang kaibigan.

Alam kasi ni Kathryn na mapapasabak na naman siya sa patayang taping para sa bagong serye nila ni Daniel Padilla, ito ngang remake ng Pangako Sa ‘Yo, kaya gusto niyang maka-bonding ang mga taong malalapit sa kanya sa darating niyang kaarawan.

“Basta hinihingi ko lang ang oras ng mga kaibigan ko, na ibigay nila ‘yung two days na hinihingi ko. Alam mo ‘yun, ‘yung short vacation ko bago ako mag-back to work,” sey ni Kath sa interview ng ABS-CBN.

“Magbi-beach kami, definitely. Tapos may mga gagawin lang siguro doon na activities kasama ang mga kaibigan, so more on bonding talaga. Sobrang excited kami lahat,” dagdag pa ng Teen Queen.

Ano naman ang regalo niya sa kanyang sarili? “Siguro walang material things pa. Parang siguro ngayon talaga ay ‘yung bakasyon na two days, ‘yun ang gift ko sa sarili ko. Kasi ‘di madaling pagsama-samahin ang schedule ng mga friends mo dahil may trabaho din sila. Pinayagan naman ako ni Mama, so na-excite naman ako.”

Samantala, patuloy naman ang preparasyon ng dalaga para sa pagsisimula ng taping nila for Pangako Sa ‘Yo kung saan gagampanan niya ang karakter ni Yna Macaspac.

“Ngayon pinagku-cooking nila ako for the role. Tapos sina Inang, sinabi nila na magkakaroon kami ng isang workshop session at sasabihin nila kung anong character namin paara alam namin ang character by heart. Sina ate Jodi (Sta. Maria) ay nag-start na silang mag-taping, actually,” kuwento ni Kathryn.

Dugtong pa ng young actress, “Siyempre, nandoon ‘yung pressure, alam natin kung gaano ka-successful at kalakas ang Pangako Sa ‘Yo dati. Excited kami at kinakabahan at the same time kung paano ang magiging reaction ng mga tao rito. Pero gagawin namin lahat and, of course, nandiyan naman ‘yung directors namin para tulungan kami sa mga characters. Iba naman ‘yung mapapanood nila rito,” she said.

Read more...