Coco Kina Ate Guy, Susan at Manoy: Gustung-gusto ko silang alagaan!

COCO MARTIN AT NORA AUNOR

COCO MARTIN AT NORA AUNOR

PAREHONG gustong makatrabaho nina Sharon Cuneta at Coco Martin ang isa’t isa, ang tanong, kung kailan at kung paano, bossing Ervin.

Kasi si Coco ay parating sa Dreamscape Entertainment gumagawa ng serye, samantalang si Sharon naman ay nasa ibang unit, tulad na lang ng comeback project niya sa ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar na under kay business unit head Louie Andrada.

Dinig naming kapag gumawa ng serye si Sharon ang hahawak ay ang Star TV na unit naman nina Malou Santos at Ginny Torrecampo. Unless ipahiram muna ng Dreamscape si Coco sa ibang unit.

Samantala, sa ginanap na grand presscon ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ay inamin ni Coco na isa sa mga pangarap niya ay ang makatrabaho ang Megastar, “Honestly po, sabi ko nga, nu’ng malaman ko na babalik si Ate Shawie sa ABS-CBN, sana bago ako matapos (sa pag-aartista), ay makatrabaho ko siya.

“Lalung-lalo na po sa isang supporter, kasi at least, mas mahahabaan ‘yung pagtatrabahuhan namin, kasi nu’ng nakatrabaho ko si ate Guy (Nora Aunor) sa pelikula, kumbaga, nabitin ako, eh. Kasi, doon pa lang lumalalim nang lumalalim ‘yung pagsasamahan namin.

“Kasi, ako ‘yung tipo ng artista na gustung-gusto kong iparamdam like kunyari kina tito Eddie (Garcia), tita Susan (Roces), kay Ate Guy nu’ng nagkaroon ako ng chance, sabi ko, gustung-gusto ko silang alagaan sa set.

“Kasi, ang sarap ng pakiramdam na ang dami-dami kong natutunan, ang dami-dami nilang nase-share sa akin. Si Ate Sharon, sana mabigyan kami ng pagkakataon na makapagtrabaho kahit sa isang soap opera o pelikula.

“Alam n’yo ako, isa sa maite-treasure ko na nakatrabaho ko na si ate Guy, si tito Eddie, tita Susan, ate Kris Aquino, kaya gusto ko ring makatrabaho si ate Shawie. Si tito Pip (Tirso Cruz III), nakatrabaho ko na rin.

“Si Vilma Santos, gustung-gusto ko rin pong makatrabaho. Kumbaga, habang may pagkakataon, sana matupad,” mahabang pahayag ng aktor.

Read more...