Kim, Maja bati na pero di na naibalik ang friendship

MAJA SALVADOR AT KIM CHIU

MAJA SALVADOR AT KIM CHIU

Hindi pa rin bumabalik ang dating friendship nina Kim Chiu at Maja Salvador.

Totoong nagkabati na ang dating mag-best friends pero mismong si Kim ang nagsabi na wala pa sila sa level na pwedeng sabihing super close na sila uli.

Chika ni Kim, hindi naman minamadali ang mga bagay-bagay, naniniwala siya na kung nakatadhana na maging best friends sila uli ni Maja ay mangyayari raw ‘yun nang hindi pinipilit.

“Okay lang, dahan-dahan. Dapat peace lang lahat para happy ‘yung vibe mo, happy ‘yung environment mo, lahat,” ani Kim kasabay ng pagsasabing wala na ang ilangan kapag nagkikita sila.

“Sobrang okay and parang ang sarap ng pakiramdam na gigising ka ng umaga, okay sa iyo lahat ng tao,” chika pa ng dalaga.

Muling nagkasama sina Kim at Maja sa ginanap na reunion ng cast and crew ng kanilang seryeng Ina, Kapatid, Anak, kung saan nakasama rin nila ang iba pang members ng cast tulad nina Enchong Dee, Xian Lim, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Jayson Gainza at Alex Medina.

Read more...