Lea Salonga na-bad trip, nagbantang lalayasan ang ABS-CBN?

LEA SALONGA

LEA SALONGA

Si Lea Salonga ang hula ng marami sa isang blind item na lumabas sa isang very popular website.

According to the item, imbiyerna raw ang singer dahil ilang beses na niyang na-witness na mag-guest sa show ang mga kilalang celebrities na hindi naman singers pero kanta nang kanta.

Rumor has it na sa matinding pagkaimbiyerna raw ng singer ay kinausap nito ang mga bossing ng network at nagbanta raw na hindi na siya aapir sa kanila kapag pinakanta pa nila ang hindi naman mga singers. Marami naman daw magagaling na singers sa network, bakit hindi na lang daw ang mga iyon ang i-guest.

If Aling Lea was really the singer who was pissed off dahil sa pagge-guest ng non-singing celebrities sa ilang shows ng Dos ay naiintindihan namin where she’s coming from. Legit singer naman siya and her mindset is perfectly right for her.

Kaya lang, she missed one thing – TV shows or any TV program should attract televiewers and this is where popular celebrities come in. She conveniently forgot na the show has to draw televiewers na siyang nagiging silbi ng sikat na artistant igini-guest sa show.

Let’s face it. Hindi lahat ng magagaling ay sikat. Mas marami ang sikat kaysa sa magagaling.
Gets mo, Aling Lea?

Read more...