‘May mali talaga sa pagpapalaki kina Greta, Marjorie at Claudine!’

CLAUDINE, GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

CLAUDINE, GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

Napakagulo ng sitwasyon dahil parang nagririgodon lang ang mga Barretto sa kanilang hindi pagkakaunawaan. Dati’y magkasama sa bahay sina Marjorie at Claudine, si Gretchen ang kanilang kalaban, pero pagkatapos nang ilang taon ay nagkampihan na sina Marjorie at Gretchen laban kay Claudine.

Pero ang pinakahuling kaganapan ay sina Gretchen at Marjorie na ang magkaaway ngayon, magkakampi naman sina Marjorie at Claudine, di ba naman at sa kanilang relasyon pa lang bilang magkakapatid ay napakagulo na nila?

Ayaw pang magsalita ni Gretchen tungkol sa naging hidwaan nila ni Marjorie, tahimik lang ang aktres na mas madalas na nasa London ngayon, pero kung susundan ang mga ipino-post nilang mensahe sa social media ay lutang na lutang na may pinagdadaanan silang magkakapatid ngayon.

Isang kaibigan namin ang nagtanong, “Lumaki ba sa pag-aalaga ng parents nila ang magkakapatid na Barretto? Nakakagulat kasi ang sitwasyon nila, isang womb lang ang pinanggalingan nila, pero bangayan sila nang bangayan!

“E, ang mga half brothers and sisters nga, nagkakasundo at nagmamahalan, sila pa ba namang totoong magkakapatid sa isang dugo lang ang magkakaganyan?

“May nakikita akong mali sa upbringing nila, parang nandu’n ang mali, paano nga kaya sila pinalaki ng mga magulang nila?” may punto ang tanong-opinyon ng aming kaibigan.
Nasaan nga kaya ang mali? Puwede kaya nating ibintang ito kay General Napeñas ng PNP?

Read more...