Pakikipagbati ni CLAUDINE sa 2 airport staff echos lang?

Para lang sagipin ang nawasak na pangalan

Dalawang apologies na ang nagaganap recently – una ay yung panghihingi ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa gay community regarding his stand on same-sex marriage. His against it.

Hindi naman daw siya galit sa mga bading in general dahil marami raw siyang kaibigan (including a certain Ogie Mendoza of Sampaloc, Manila who became his very dear friend when he was still a nobody na pinangakuan daw nitong bibigyan ng parlor once na yumaman siya) at mga kamag-anak na bading.

Hindi ba’t halos magwala ang buong kabadingan sa buong mundo sa unsolicited comments ni Pacquiao. Mabuti naman at nakapag-isip-isip siya bago pa man siya isumpa ng buong kapuluan.

Another apology came about some days back when beleaguered actress Claudine Barretto finally stepped out of her room to reach out with two Cebu Pacific ground staff na balitang tinarayan niya at pinagmumura na naging sanhi nga ng rambulan sa pagitan nila ni Mon Tulfo.Tinanggap naman daw ng pamilya ng dalawang babaeng staff na ito ang kanyang panghingi ng dispensa.

That’s good to know then.

Mabuti naman at nilunok na ni Claudine ang pride niya at nanghingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya.

That’s kinda brave of her to admit her faults though may mga nagsasabi na “show” lang daw ito ni Claudine para maibangon ang nalugmok niyang pangalan because Mon Tulfo got an overwhelming sympathy over that tussle.

Show man o hindi, gusto ko iyon , ang marinig mula sa isang matayog na tao na marunong din pala sizyang magpakumbaba.

God bless.

Read more...