Talaga palang least favorite girlfriend si Angelica Panganiban ng parents ng hunk actor na si Derek Ramsay.
Sa isang event ng pamilya ni Derek ay nakaramdam ng matinding lungkot si Angelica when she learned that Derek’s family is indeed partial to the actor’s past girlfriend, Solenn Heussaff.
Paboritong-paborito raw ng pamilya ni Derek si Solenn at hinayang na hinayang sila nang magkahiwalay ang couple.
Feeling kasi ng parents ni Derek ay perfect si Solenn sa kanilang anak.
They have so many things in common kasi and they look perfect together as a couple.
So, bakit namin nasabing si Solenn ang favorite ng pamilya ni Derek?
Well, we were told na ang isa sa pamangkin ni Derek ay pinangalanang Solenn.
‘Di ba sukdulan na ‘yan bilang pagpapakita ng pamilya na gustung-gusto nila si Solenn?
Ang batang Solenn na pamangkin ni Derek nga raw ang pinagsalita sa isang affair na dinaluhan ni Angelica.