Last of a series
ANO nga ba ang koneksyon ng Atlantis sa mga aliens?
Isang nakakagimbal na teorya na nagmula sa isang mataas na Russian astrophysicist na diumano, ang nawawalang kontinente ng Atlantis ay naubos matapos ang isang kahindik-hindik na nuclear attack ng mga aliens para masira ang lahat ng ebidensiya na magpapatunay na sila ay lumabag sa mundo.
Ayon kay Dr. Anatoly Rubenis ito ang dahilan kung bakit misteryosong nawala ang sinaunang city state mahigit 40,000 taon na ang nakakaraan.Sinabi ni Rubenis na isang radioactive cloud ang naganap matapos pakawalan ang mga nuclear missiles mula starships ng mga aliens na kung saan nabalot ang mundo at naging dahilan para maubos ang karamihan ng species ng pre-historic na mga hayop.
“The woolly mammoth, the saber-toothed cat and the giant sloth were among the creatures which fell victim to the deadly exposure,” sabi ni Rubenis na isang professor mula sa St. Petersburg professor.
Ipinaliwanag ni Rubenis na nauuna ang kultura ng Atlantis dahil ito umano ay napili ng mga alien bilang space outpost at sinanay nila ang mga nadatnang mga naninirahan ng mga makabagong siyensiya at arts.
“But the attack literally bombed mankind back to the Stone Age.
It took centuries for man to begin the climb back to even the most primitive of social systems,” dagdag ni Rubenis.
Ang mga ideyang rebolusyunaryo ni Rubenis ay batay sa 27 taong pananaliksik sa pinagmulan at ebolusyon ng mga planeta sa solar system.
Sinabi ng scientist na ang resulta ng kanyang pag-aaral ay nagpapakita ng normal na development patterns na sinusunod ng karamihan sa mga planeta, ngunit naging dahilan para mabago ang kasaysayan ng mundo.
Idinagdag pa ni Rubenis na ang bayolenteng pangyayaring ito at ang pagbabago sa kapaligiran ng mundo na naganap mahigit 40,000 na ang nakakaraan ay sinasabing naganap kasabay ng pagkawala ng buong kontinente na matatagpuan Southern Atlantic.
Anya, nakakaalarma ang pagtaas ng lebel ng radiation na nagpapahiwatig na ito ay isang napakalakas na nuclear attack.
“While there is no way of knowing precisely what occurred on Earth at that time, my theory answers many questions raised by archaeologists, geologists and paleontologists,” ayon pa kay Rubenis.
Idinagdag pa ni Rubenis na ito ay nagpapatunay lamang na bumibisita na ang mga aliens sa mundo kung kailan nila gusto at may kapabilidad na sila na lumapag at gumawa ng kanilang himpilan.
“I believe that eons ago, alien ships colonized here, mingling with earthlings and helping them.
The colony has survived in mythology as the famed continent of Atlantis, a wondrous society that was extremely advanced for its time.
Mythology also indicates that Altlantis disappeared suddenly and catastrophically, leaving no trace behind,” giit ni Rubenis.
Sa ilalim ng teorya ni Rubenis, naalarma ang mga aliens dahil na rin sa karanasan ng mundo.
“Perhaps when colonists bred with earthlings and their allegiance to the moter planet was weakened.
A decision was made to evacuate the colony and destroy all traces of alien presence on Earth,” paliwanag pa ni Rubenis.
“The continent was pulverized by powerful nuclear weapons – literally smashed to atoms.
There wasn’t anything left afterward except the empty ocean,” ayon pa kay Rubenis.
Sa teoryang ito, sinasabing ang lost city of Atlantis ay nagmula sa teknolohiya ng mga aliens.
Kung paniniwalaan ang teoryang ito, ang mga alien ang dahilan ng pagbabagong nararanasan ng tao at sa paglipas ng panahon, dahil na rin sa paggamit ng DNA ng mga nilalang, lumabas ang makabagong tao.
Totoo man o hindi ang teoryang ito, kapansin-pansin na makikita sa mga nadiskubreng mga archaeology at cave paintings ang mga ebidensiya na namuhay ang mga aliens sa maraming bansa sa mundo.
Ito rin umano ang maaaring eksplanasyon kung bakit napakabilis ng pag-unlad ng sangkatauhan 30,000 taon na ang nakakaraan mula sa istraktura ng mga gusali na kinakailangan ng makabagong matematika.
Tumulong nga kaya ang mga alien o ito ay isa lamang talagang kaha-hangang ebolusyon ng tao?
(Ed: May tanong, reaks-yon o komento ba kayo sa artikulong ito? I-text ang in-yong pangalan, edad, lugar, at mensahe sa 09154238505)