KONTROBERSIYAL NA AKTRES BAGONG DYOWA NG KILALANG GAMBLING LORD

DA who kaya itong controversial actress na ngayon ay laman ng usap-usapan hindi lamang sa mundo ng showbusiness kundi maging sa mga kapulisan.
Paanong hindi siya pagtsitsismisan, e, kalat na kalat na ang balitang siya raw ang bagong girlfriend ng kilalang number one gambling lord sa Central Luzon.
Hindi lang malinaw kung kailan nagsimula ang love affair ng dalawang bida sa ating kuwento pero ayon sa mga sitsit, tagung-tago ang kanilang relationship.
Matindi ang pinagdadaanan ng kilalang aktres ngayon dahil sa mga isyu sa kanila ng dating karelasyon. Matagal nang hindi nagsasama ang nagkahiwalay na showbiz couple kaya naniniwala ang ating source na ine-enjoy lang ni aktres ang kanyang freedom sa piling ng bagong karelasyon.
Ayon sa makakating-dila na nagparating ng chikang ito, ang huling gift daw sa aktres ni kilalang GL ay isang magarang bahay somewhere in the Eastern part of Metro Manila.

Read more...