ISINUMITE na ng Board of Inquiry (BOI) kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Deputy Director General Leonardo Espina ang resulta ng imbestigasyon nito kaugnay ng operasyon ng Mamasapano noong Enero 25 na kung saan 44 miyembro ng Special Action (SAF) ang pinatay.
Sa isang ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni BOI chair Police Director Benjamin Magalong na aabot sa 120 pahina ang ulat nila, bagamat tumangging pag-usapan ang nilalaman nito.
“Let us wait until the publication of the BOI’s report,” sabi ni Magalong.
Aniya, inisyal na limang kopya ang pinalimbag ng BOI. bagamat tiniyak na bibigyan din ng kopya ang pamilya ng 44 napatay na SAF.
Tiniyak din ni Magalong na naging patas ang naging desisyon ng BOI.
Nauna nang humiling si Magalong kay Espina na ipagpaliban ang pagsusumite ng ulat ng BOI ngayong araw mula sa naunang deadline na Marso 6.
BOI isinumite na kay Espina ang Mamasapano report
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...