Katwiran ng alkalde na may kinalaman sa pulitika partikular na ang nalalapit na 2016 elections ang umano’y ‘express suspension’ sa kanya.
“Kapag umalis kami rito parang binigay na lang namin ito (city hall)…Hindi namin hahayaan na because of this suspension order ay ang pauupuin dito is another member of the Liberal Party,” pahayag ni BInay
Ang Liberal Party ay ang partido na kinaaniban ng Pangulong Noynoy Aquino
Mananatili aniya siya sa City hall hanggang sa magpalabas ng desisyon ng Court of Appeals (CA) sa kanilang apela
“Hanggang kailangan mananatili kami rito, hindi kami aalis,”pahayag ng alkalde
Nauna na ring pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Ombudsman si Mayor Binay dahil sa isyu ng Makati City Hall Building ngunit agad din itong naghain ng apela
Sa munisipyo nagpalipas ng magdamag si Binay maging ang mga taga porta nito.
Nanindigan din ang alkalde na hindi papayagan ang pagnanais ng LP na maupo ang kaalyado nito sa Makati,
“Hindi namin hahayaan na because of this supension order ay ang pauupuin dito is another member of the Liberal Party (LP), e halatang-halata na ang ginagawa nila rito,” pahayag ni Binay kasunod na rin ng pag-uugnay nito kay Interior Secretary Mar Roxas, isa ring miyembro ng LP
Si Makati’s incumbent vice mayor is Romulo Peña Jr.,miyembro ng LP ang magiging pansamantalang kapalit ni Binay
Buo naman anya ang suporta ng kanyang pamilya kabilang si Vice President Jejomar Binay, na kasama rin niyang nagpalipas ng gabi sa munisipyo.
Kasabay nito, nag vigil ang mga taga-suporta ng alkalde sa labas ng gusali
Habang sa isang bahagi naman ay may malaking screen kung saan maaaring maglibang sa magdamagang film showing.
MOST READ
LATEST STORIES