Sulat mula kay Rhealyn ng Malitbog, New Corella, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang single mom, pero kahit na may anak na ako hindi ako naghinto sa pag-aaral, kasi pangarap ko talagang makatapos ng aking kurso. Sa tulong ng mga magulang ko ay nakatapos naman ako ng kursong B.S. Accountancy at sa kasalukuyan nagse-self review ako para sa CPA examination. Sa susunod na taong 2016 balak kong mag-take ng CPA board exam. Nais kong malaman kung susuwertehin ba akong makapasa sa 2016 at suwerte ba sa akin ang taong 2016? Sa pag-ibig, gusto ko rin malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararanasan kahit na ako ay single mom sa kasalukyyan? October 6, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Rhealyn ng
Davao del Norte
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Makapal at malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taong 2016, walang duda madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa CPA board exam, sapagkat nakatakda na sa iyong tadhana – ang maging isang Certified Public Accountant.
Cartomancy:
Bagamat suwerte sa career ang barahang Jack of Spades at Two of Clubs ang nagsasabing dalawang beses ka munang mabibigo sa pagibig at pakikipag-relasyon at pagkatapos, angf Three of Hearts ang nagsasabing sa ikatlong pag-ibig, hatid ng isanglalaking tulad mong professional din, makakasumpong ka na ng isang maligaya at pang habang buhay na pag-ibig.
Itutuloy….