Horoscope, March 12, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos kang pinagpala! Sa isang hindi sinasadyang sitwasyon makakaranas ka ng isang nakakikilig na relasyon. Sa pinansiyal sa isang dati ng kakilala malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Mapalad ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” White at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Tanggapin ang alok ng isang kaibigang Sagittarius, pagkakataong mo ng umunlad. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tibok ng puso. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Upang kumita ng malaking halaga ipakita at ipatupad ang sariling pasya. Sa pag-ibig at pinansyal, sa sandaling naging independent ka na, magsisimula ka ng umunlad at lumigaya. Mapalad ang 9, 12, 17, 26, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, wag asahan ang salaping hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap. Mapalad ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Wagiswari-Padme-Om”. Red at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Dagdag na sipag ang dapat na ipatupad upang makamit ang pangarap. Sa pag-ibig wag pag hinalaan ng hindi maganda ang kasuyo. Sa pinansiyal, utuin ang kasuyo upang magbigay siya ng dagdag na pera. Mapalad ang 7, 16, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Namah-Om-Namo.” Indigo at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Puro ka na pangarap, hindi naman yan ang mahalaga, sa halip ang mas mahalaga ay maipatupad mo ang iyong ideya. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyo. Sa pinansiyal, umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Gold at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at mapera, kusa ka naring liligaya. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Wala ng pinaka-mahalagang bagay sa buhay na ito kundi pera.” Green at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Upang ma-refresh ang isip at damdamin, laging makinig ng musika. Ang mga love song music at classic ang magpapalakas ng iyong enerhiya na siya namang sasagap ng maunlad na pamumuhay at maligayang pag-ibig. Mahiwaga mong mantra: “If the King love music, it is well with the land.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Magtiwala sa kasuyo, makaka-tsamba din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi mo bibigyan ng encouragement ang kasuyo paano uunlad ang inyong buhay? Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Krishnaya.” Blue at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Huwag tumunganga, mag-isip ng dagdag at bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero romantic na relasyon. Suwerte ang 9, 12, 21, 31, 37, at 40. Mahiwaga mong mantra, “Abrakadabra!” Red at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pinansyal nakatakda na sa iyo ang yumaman. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang bawat miyembro ng pamilya. Mapalad ang 2, 17, 22, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra, “Namo-Loes-Sawa”. White at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng isip at rason. Sa pinansiyal, gamitin ang salapi upang makatagpo ng true love. Mapalad ang 1, 7, 22, 37, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Green at black ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Wag umasa sa ibang tao. Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang kinikita. Mapalad ang 8, 17, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Sahana-Vavatu-Om.” Blue at red ang buenas na kulay.

Read more...