Korina nakapagbigay na ng 2 milyong pares ng tsinelas

korina sanchez
PATULOY ang Rated K sa pagiging number one sa national ratings sa unang quarter ng 2015. Ang top-rating weekly magazine show kung saan host ang beterana at award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ay nagdiriwang ng ika-10 anibersaryo.

Base sa Kantar Media, ang Rated K ang most watched at number one Sunday TV program sa bansa mula Enero 2015 hanggang Pebrero 2015. Ang Rated K din ang 5th most watched show sa buong bansa sa buwan ng Pebrero 2015 base sa national survey na ginawa ng Kantar Media, with 24.6% viewer share kada Linggo.

Sa nakalipas na 10 taon, consistent ang Rated K sa pag-feature ng mga diverse line-up ng mga istorya na sumasalamin at nagha-highlight sa kulturang Pinoy – mula sa mga inspiring stories ng mga celebrities at ordinaryong mga Pinoys hanggang sa latest trends sa technology, food, at fashion hanggang sa mga kakaibang kuwento ng misteryo at kakatakutan hanggang sa pinka-maiinit na entertainment, lifestyle, at leisure venues sa buong Pilipinas at pati na rin ang mga nakakatawa at trending na mga events at mga personalidad.

Ang flagship advocacy ng Rated K, ang Handog Tsinelas Campaign ni Korina, ay patuloy na nagbibigay ng libreng tsinelas sa lahat ng mga underprivileged na kabataan sa Luzon, Visayas, at Mindanao mula ng itinatag ito walong taon na ang nakakalipas.

Ngayon, halos dalawang milyong pares na ng tsinelas ang naipamimigay ng Rated K sa lahat ng batang Pinoy sa buong bansa with the hope of restoring each child’s dignity sa pangarap ni Korina na wala nang batang Pinoy ang maglalakad ng naka-paa.

In line sa ika-10 anibersaryo ng programa at bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng publiko, lumilibot si Korina sa buong bansa kasama ang kanyang Rated K team sa pamimigay di lamang ng mga tsinelas sa mga bata kundi pati na rin bigas at bracelets sa nangangailangang mga barangay.

Nagbibigay din si Korina ng mga inspirational messages sa kanyang mga fans at supporters at pati na rin sa mga kabataan dahil paborito siyang guest speaker sa mga campuses at mga unibersidad.

Nakipag-partner din ang Rated K sa retail giant na Puregold para sa Handog Tsinelas Campaign. Lahat ng mga supporters ng Handog Tsinelas Campaign ni Korina ay maaaring i-drop off ang kanilang mga rubber slipper donations sa bawat Puregold outlet sa buong bansa.

“Napakalaking blessing talaga na number one pa rin ang Rated K sa timeslot nito sa loob ng sampung taon. Biro ninyo? Hindi madali lalo na sa kompetisyon kaya naman proud kaming lahat.

“Yung pagtulong sa nangangailangan at charity projects namin palagay ko ang dahilan kung bakit sinuswerte ang Rated K. Kaya lalo pa kaming nai-inspire na tumulong.

Sobrang happy ko sa suportang binibigay ng tao sa Handog Tsinelas Campaign namin at napakarami na ang mga bata na nakakatanggap ng bagong tsinelas.

“Balak din namin na maging mas interactive – yung Trending Ngayon segment namin tungkol sa mga pinag-uusapan ng mga tao, at yung pagtanggap ng mga sulat galing mismo sa audience namin para personal stories talaga,” pahayag pa ni Ate Koring.
Rated K airs on ABS-CBN every Sunday evening after Wansapanataym.

Read more...