Kasalang Toni-Paul sa June 12 na

paul soriano
June bride si Toni Gonzaga. Nakatakdang ikasal ang TV host-actress kay direk Paul Soriano sa Hunyo 12, 2015.

Matatandaang sinulat na namin dito sa BANDERA kung sino ang tatahi ng wedding gown ni Toni, at iyan ay walang iba kundi ang American fashion designer based in New York na si Vera Wang na aksidenteng naikuwento ng kapatid niyang si Alex sa amin.

May dahilan pala kung bakit si Vera Wang ang napili nina Toni at Paul, “Yung kasing katawan ni Toni, maliit ang built kaya bagay sa kanya ang mga gawa ni Vera Wang, am sure ito rin ang payo sa kanya ng lahat,” kuwento ng family friend ng mga Gonzaga.

E, teka, bakit Hunyo 12 ang napiling petsa ng dalawa? “Kasi araw din ng kalayaan ni Toni, kasi for so many years nakapisan siya sa magulang niya at sa kasal lang nila ni Paul siya totally mahihiwalay sa magulang.

Kaya may kunek,” sagot ng aming source. Sa simbahan ng Taytay, Rizal ikakasal sina Toni at direk Paul tulad ng unang napag-usapan.

Read more...