Premyadong actress nagmukhang alalay ni Gretchen sa Star Awards

gretchen barretto
Ginanap kagabi ang debut ni Julia Barretto. Naunsiyami ang mga umaasa na sa nasabing okasyon magkakaayus-ayos ang magkakapatid na Barretto.

Pero Lunes nang madaling-araw ay umalis na si Gretchen papuntang London.Pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang parangal sa Star Awards For Movies bilang best supporting actress ay dinaanan lang niya ang kanyang mga bagahe at tumuloy na siya sa airport.

Maraming nang-usisa kay Greta tungkol sa debut ng kanyang pamangkin, pero nakatali ang kanyang dila, walang nakapamuwersang magsalita ang sopistikadang aktres.

“I demand respect because this is my night and the birthday of Julia is her night,” sabi ni Gretchen sa isang marespetong paraan.
Nakakalungkot lang isipin na magkaibigan sina Julia at Dominique, close na close ang magpinsan, siguradong kabawasan sa kaligayahan ni Julia ang hindi pagdalo ni Dominique sa minsan lang naman maganap na okasyon sa kanyang buhay.

Kuwento ng aming kasamahang reporter, “Napakapabolosa ni Gretchen. Sopistikada talaga siya. Kahit ano ang ipasuot mo sa kanya, napakasosyal ng dating niya.

“Kung nagkatabi lang sila ni ____ (pangalan ng isang premyadong aktres) that night, magmumukhang alalay ni Gretchen ang aktres na ‘yun,” madiing sabi nito.

Read more...