Ogie ipinagtanggol si Regine: Walang reklamo ang asawa ko!

regine velasquez
Ipinagtanggol ni Ogie Alcasid ang asawang si Regine Velasquez sa mga nagpapalabas ng malilisyosong chika tungkol sa Asia’s Songbird.

May mga tsismosa kasing nagpakalat ng isyu na nagpapaka-diva na raw si Regine. Ayon sa sitsit, namimili na ngayon ng makakatrabaho ang singer-actress, kapag di niya feel ang isang artista, agad daw itong tatanggalin ng production sa listahan ng mga guests sa kanyang mga show.

Depensa ni Ogie nang makachika ng ilang entertainment reporter sa presscon ng bago niyang show sa TV5, ang reality talent search na Rising Stars, “Hindi niya ugali ‘yon. Sa totoo lang, nabasa ko rin ‘yon.

Hindi magagawa ng asawa ko ‘yon, never.” Siyempre, na-hurt ang Songbird nang makarating sa kanya ang nasabing chika, pero hindi na lang daw pinatulan ng kanyang asawa.

Sey pa ni Ogie, “My wife is the easiest person to work with. She will sing with anyone. That’s why kahit sino na ang ka-number niya o ka-concert niya, ni minsan hindi ‘yan nagreklamo o nagsalita. She is not that kind of person.

“Nakita mo naman kung paano niya alagaan ang mga bagets niya, di ba? Sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Kyla…she’s the same person, very nurturing,” dugtong pa ng TV host-comedian.

“Oo, nasaktan siya kasi hindi naman totoo ‘yon. But, instead of her explaining na nasaktan siya, nagdasal na lang siya,” pag-amin ni Ogie. Pero siniguro niyang okay naman si Regine.

Read more...