ARESTADO ang isang 46-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang isang baka sa Silang, Cavite Martes.
Naaktuhan ng mga awtoridad si Andy Loyola na hinahalay ang baka sa bahagi ng Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Biga 2 dakong alas-5 ng madaling araw, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.
Tumakbo pa ang suspek para tumakas, pero nadakip din ito. Una rito, inulat sa mga awtoridad ni Rustico Sarno, may-ari ng baka, na nawawala ang hayop na kanyang isinuga.
Ayon pa sa kwento ng may-ari ng baka, itinali niya ang baka at iniwan at makalipas ang ilang oras, nawala na ito dahilan para iulat sa barangay ang pagkawala ng kanyang alagang baka.
Nang madakip ay nakuhaan pa si Loyola ng drug paraphernalia kaya may hinala ang mga awtoridad na lango ito sa ipinagbabawal na gamot nang halayin ang baka.
Nakaditine ngayon si Loyola sa Silang Police Station habang hinahandaan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Law at Republic Act 10631 o Animal Welfare Act.Sinabi pa ng pulisya na hindi umana ito ang unang pagkakataon na inireklamo si Loyola ng panggagahasa ng hayop.
Nakatakda namang isailalim sa pagsusuri ang baka na sinasabing buntis pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending