Ang BF na ba ang makakatuluyan? | Bandera

Ang BF na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - March 10, 2015 - 01:50 PM

Sulat mula kay Jhen ng Alta Tierra Village, Jaro, Iloilo City

Dear Sir Greenfield,

May boyfriend ako sa ngayon at mag tu-two years na ang relasyon namin. Pero may nanliligaw pa sa akin ngayon na nakilala ko lang sa FB. Nasa abroad ang boyfriend ko pero sabi nya pag nakaipon na daw siya sa 2016 ay magpapakasal na kami, habang unti-unti namang napapalapit ang loob ko sa FB na friend ko at halos mag-MU na kami. Gusto nya nga na mag-eye ball na kami. Ask ko lang Sir Greenfield kung ang boyfriend ko na bang nasa abroad ang makakatuluyan ko, isa po siyang seaman. Iniisip ko kasing makipagkita na sa FB friend ko. Baka kasi siya ang higit na magpapaligiya sa akin? Ano ba sa palagay nyo at ano ba ang nakaguhit sa palad ko. Sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko? October 13, 1990 ang birthday ko. February 1, 1989 naman ang boyfriend ko at ang kaibigan ko sa FB ay August 27, 1988 naman ang birthday.
Umaasa,
Jhen ng Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Malamang na ang kasalukuyan mo ng boyfriend ang iyong makakatuluyan, ito ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung siya ang una mong boyfriend at may nangyari na nga sa inyo, kahit sino pang lalaki ang dumating, magiging bahagi lang ng buhay mo ang lalaking “stranger” pero tulad ng nasabi na, sa bandang huli kapag pinasya mo ng mag-asawa, mas malamang na ang boyfriend mo pa rin ang makakatuluyan mo.

Cartomancy:

Jack of Diamonds, Jack of Spades at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang boyfriend mo ay mayaman o sabihin na nating mapera, kung ikukumpara sa kaibigan mo na nakilala mo lang sa FB, tiyak ang magaganap, kung sino ang may mas magandang career sa dalawang lalaki sa buhay mo sa ngayon, sa bandang huli siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending