Baby ni Cristine ligtas na; nailabas na sa ospital

cristine reyes

MASAYANG-MASAYA si Cristine Reyes dahil finally ay naiuwi na nila sa kanilang bahay ang anak nila ni Ali Khatibi na si Amarah matapos ang ilang linggong pananatili sa incubator.

Mismong si Cristine ang nag-post ng litrato ni Amarah sa kanyang Facebook account kanina na talagang ikinatuwa rin ng kanyang followers dahil nga ang cute-cute ng kuha ng sanggol.

Ayon sa Kapamilya actress, ilang araw din nilang ipinagdasal ang pagbuti ng kundisyon ng kanilang anak simula nang isilang niya ito noong Feb. 8.

Halos 10 araw ding nasa ospital ang bata (six days sa neonatal intensive-care unit). Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-post si Cristine ng litrato ng baby nila ni Ali.

“She really is a fighter. Thank you mommies and preemie moms for the prayers,” ang inilagay na caption ng aktres sa larawan ni Amarah.

 

Read more...