Miguel, Bianca super sweet sa isa’t isa, magdyowa na?

miguel tanfelix
Hindi na kami magtataka kung magkatuluyan sa tunay na buhay ang Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na napapanood gabi-gabi sa Once Upon A Kiss sa GMA Telebabad.

Ayon kasi sa mga nakakarating sa aming chika, kakaiba na ang ipinapakitang sweetness ng dalawa sa isa’t isa, ibang-iba noong nagsisimula pa lang sila bilang magkaibigan.

Pero todo tanggi naman si Miguel na nanliligaw na siya kay Bianca, anang binatilyo, wala pa silang seryosong relasyon ni Bianca, at ine-enjoy lang nila kung anuman ang meron sila.

Inamin naman niya na super close sila ng dalagita at “best friends forever” daw ang status nila ngayon. Samantala, sa pagpapatuloy ng Once Upon A Kiss nina Miguel at Bianca, makakakita ng wanted waitress sign si Aurora kaya bababa sila para mag-apply pero tatanggihan siya.

They see a cake, matatakam sila. Aurora says makakatikim din sila nun. Muntik silang magkita ni Giselle. Giselle tells Prince na para sa Ninong Walter niya ang cake. Ito pala ang VP for Academics ng St. Patrick’s.

Papunta sa St. Patrick’s sina Aurora at Ella. Mapagkakamalan siyang yaya ng guards. Ipagtatanggol siya ni Ella.  Muntik na naman silang magkita nina Giselle nang pumasok ang SUV nito sa school.

Sa office ni Walter Dionisio, habang kausap nito sina Giselle, nasa labas naman sina Ella at Aurora. Magsi-CR sina Aurora at Ella.  Noon naman lalabas si Walter Dionisio kasama sina Giselle at Prince. Gulat na gulat si Aurora dahil automatic ang flush ng CR sa St. Patrick’s.

Magkikita na sina Walter Dionisio at Ella. Naaalala raw nito ang sarili kay Ella. He gives his condition kay Ella saka niya yayayain na kumain ng cake.  Magkakatinginan sina Ella kasi ito ang cake na nakita nila kanina.

Habang itinu-tour  ni Mr. Dionisio si Ella, pagsasabihan nito ang mga guards na si Ella ay scholar at dapat maging courteous dito.  Makakakita ng chapel ang mag-ina.  Magpapasalamat sila sa lahat ng blessings.

Prince will ask Giselle na mag-chapel sila for all the blessings. Tuwa si Giselle pero tatawag si King kaya di siya makakakasama. Muntik na namang magkita ang dalawa.

First day of school, makikita ni Prince si Ella. Pero magigising siya, panaginip lang pala.

Read more...