Bong puring-puri si Lani: Siya lahat ang gumagawa, napakatapang niyang babae!

bong revilla
Sa kanilang bahay na sa Ayala-Alabang magpapagaling si Vice-Governor Jolo Revilla. Nakalabas na siya sa Asian Hospital, maayos na maayos na ang kanyang sitwasyon, kaya panay-panay ang pagpapasalamat sa Diyos ng kanyang mga magulang.

Matagumpay ang huling operasyon ng batambatang aktor-pulitiko, tinanggal na ang tubong nakakabit sa kanyang katawan, kaya sumusungaw na uli ang ngiti sa labi ni Senador Bong Revilla.

Patuloy naman ang paghanga ng ating mga kababayan sa kanyang inang si Congreswoman Lani Mercado, mismong ang kanyang senador nang mister ang todo-papuri sa kanya, “Si Lani lahat ang gumawa ng dapat, e, ako ang gumagawa. Napakatapang niya, buo ang loob niya, maraming salamat sa kanya.”

Hindi rin maaaring kalimutan ang lakas ng loob na ipinahiram kay VG Jolo Revilla ng kanyang karelasyong si Jodi Sta. Maria. Kung dalawang linggo siyang naospital ay ganu’n din katagal siyang binantayan ng aktres, umuuwi lang si Jodi kapag kailangan nitong kunin ang kanyang anak na si Thirdy.

Hindi simple ang mga pinagdadaanang pagsubok ng pamilya Revilla, pero sila na ang nagsasabi, kapag niloob ng Diyos, walang maaaring kumontra, walang kahit sinong makakukuwestiyon.

Mas maagang paggaling para kay Vice-Governor Jolo Revilla. Marami pa siyang misyon na dapat gawin sa buhay na ito.

Read more...