DFA kinumpirma ang pagbitay sa isang Pinoy sa Saudi Arabia

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binitay ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos masinstensiyahan sa pagpatay sa kanyang employer noong 2007.
Kinilala ni DFA spokesman Charles Jose ang Pinoy na binitay na si Joven Esteva.
“It is with sadness that we confirm the execution of Overseas Filipino Worker Joven Esteva at 9 a.m. today (oras sa Saudi, alas-2 ng hapon sa Pilipinas) in Riyadh,” sabi ni Jose.
Idinagdag ng DFA na bukod sa pagpatay sa kanyang employer, inakusahan din si Esteva ng pananakit sa anak ng kanyang employer.
Iginiit naman ng DFA na ibinigay ang kaukulang tulong kay Esteva para maisalba ang kanyang buhay.
“We have provided Mr. Esteva all necessary and appropriate legal and consular assistance, including providing a lawyer, since his arrest in 2007,” dagdag ni Jose.
Sinabi pa ng DFA na hindi pinagbigyan ng pamilya ng biktima ang apela na patawarin si Esteva sa kanyang nagawa.

Read more...