Ser Chief takot sa isyu nina Jodi at Jolo

richard yap
HANGGA’T maaari ay ayaw nang makialam ni Richard Yap o mas kilala bilang si Ser Chief sa pinagdaraanan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla.

Kaibigan niya raw si Jodi dahil nga naging close na sila dahil sa Be Careful With My Heart, pero kung hindi naman daw nito hinihingi ang kanyang advice ay hindi siya magsasalita.

Sa presscon ng Dreamscape Entertainment para sa bago nilang teleserye, ang Someone To Watch Over Me na pagbibidahan nina Richard at Judy Ann Santos, natanong ng press ang aktor kung ano ang reaksiyon niya sa pinagdaraanan ni Jodi ngayon matapos ngang mabaril ng dyowa niyang si Jolo ang sarili.

“I know that Jodi is a very strong person. Draw your strength from the Lord, and everything will be alright. And I hope Jolo recovers very soon from his wound and that they can get through with all these happenings right now,” ayon kay Ser Chief.

Nagkausap na ba sila matapos ang nangyari kay Jolo? “No, si Jodi kasi is, in some ways, a very private (person). Ako naman, I don’t wanna intrude on her privacy.

So, kung ano lang ang gusto niyang sabihin, that’s the only time na…but if she doesn’t ask for my opinion naman, I don’t want to give it.”

Dagdag pa ng Kapamilya leading man, baka raw kasi mabigyan pa ng kulay kapag nag-effort siya na magkausap sila ni Jodi sa panahong ito, “I don’t want to send the wrong signal.

“There are some people insisting na there’s something going on between us, ‘di ba, yung sa mga tweets. I don’t want to send people the wrong signal, and I just try to stay away as much as possible.”

Samantala, ngayon pa lang ay excited na si Richard sa pagsisimula ng taping nila para sa seryeng Someone To Watch Over Me nila ni Juday, sigurado raw na mas matsa-challenge siya ngayon dahil iba naman ang gagawin niyang atake sa kanyang role.

Hindi rin niya inakala na magkakatambal sila ni Juday in a TV series. “Like what happened before, everything was unexpected. Itong tambalan namin was unexpected, ‘yung sa Be Careful was unexpected.

So, we hope to surprise the viewers and we hope to bring the same impact of the series we did before,” hirit pa ni Ser Chief. May pressure ba sa unang pagtatambal nila ng Soap Opera Queen? “Well with Ms. Judy Ann at my side, I don’t think I have to be worried.”

Read more...