Pelikula nina Juday at Claudine haharangin, maraming kontra

judy ann santos
NAGTATAKA ang manager ni Judy Ann Santos na si tito Alfie Lorenzo kung saan galing ang balitang gagawa ng pelikula ang alaga niya kasama si Claudine Barretto.

“Saan ba nagmula ‘yun? Wala naman kaming alam diyan? Baka may offer na hindi ko alam? Wala naman sinasabi sa akin si Malou (Santos),” ito ang nagtatakang sagot ni tito Alfie nang makatsikahan namin sa ABS-CBN pagkatapos ng Someone To Watch Over Me presscon nina Juday at Richard Yap.

Ibinalik namin ang tanong sa manager ng aktres na kung wala, e, bakit ang sagot ni Budaday kapag tinatanong siya tungkol sa pelikulang pagsasamahan nila ni Claudine ay more than willing siyang gawin ito.

“Aba, malay ko, basta ako walang alam,” sagot ni tito Alfie. Sabagay, nagtanong din kami sa mga taga-Star Cinema pero talagang wala raw silang offer na pelikula kay Claudine, lalo na ang pagsasama raw nila ni Juday.

Maya-maya ay nakatanggap kami ng mensahe at sinabing sa Viva Films pala gagawa ng movie sina Juday at Claudine. Ipinarating uli namin ito kay  tito Alfie.

Ang mabilis na sagot ng manager ni Juday, “Kung sa Viva, Sharon (Cuneta), Juday at Sarah (Geronimo), ‘Magkakapatid’. Di ako papayag kasama si Claudine.”

At kung sa Star Cinema naman daw, “Juday-Coco (Martin), puwede.” Kaya ang tanong, saan talaga galing ang balitang magsasama sina Juday at Claudine sa pelikula? Baka may alam ka bossing Ervin, tsika mo naman sa amin? (Ha-hahaha! Baka produkto lang ‘yan ng isang malikot na imahinasyon, Reggs! Ha-hahaha! – Ed)

Read more...