HOROSCOPE, March 09, 2015 | Bandera

HOROSCOPE, March 09, 2015

Madam Sophia - March 09, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging maligaya ang araw na ito kung magsusuot ng red. Sa pag-ibig, hindi makakatanggi ang minamahal kapag nakasuot ka ng pulang underwear. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng pera habang ikaw ay nakapula. Mapalad ang 3, 6, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Bukod sa red buenas ang green.

Aries – (Marso 21-April 19)—Ano man ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang pakiramdam, mas masarap na romansa ang makakamit. Mapalad ang 9, 18, 21, 30, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Mga di inaasahang pangyayari ang darating! Isang Libra ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligo at maghilod na mabuti at magpalit ng underwear! Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng pera. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Baguhin ang maling sistema. Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangan nyong matuklasan, upang uminit muli ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Ang kapalaran ng mga Leo ay naka-depende sa sikat ng araw. Kapag ganap ng nagpakita ang araw, tuloy-tuloy na ring uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Green at brown ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Habang nagsisikap tuloy-tuloy na madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Simple lang ang sekreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings, bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tama ang iniisip mong lumayo sa lipunan. Lagi namang gastos lang ang mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmickan. Sa pag-ibig, imbis na makipag-sosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal. Mapalad ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ituon ang isip sa iisang gawain lamang! Sa pinansiyal, basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy lalo pang lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw – sa bandang huli may kaligayahang naghihintay. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Ituloy ang pagiging masinop, upang lalo pang yumaman, ganon paman upang patuloy kang pagpalain ni Lord, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Maging bukas palad upang tumulong. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Tama ang iniisip mo, sa pagtitiyaga mas madaling makakamit ang tagumpay. Sinop-sinop lang ng kabuhayan ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa mapapahinuhod mo rin sa iyong kagustuhan ang kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Anoman ang problema, tandaang lilipas din yan! Kapag nakahawak ng malaking halaga, bayaran na agad ang mga pagkakautang. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon lalo namang iinit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 27, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Blue at purple ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending