BINATI kahapon ng Palasyo ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez matapos siyang makapasok sa finals ng “American Idol,” kasabay ng panawagan sa mga Pinoy sa Amerika na ipagpatuloy ang kanilang pagboto.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang pagsusumigasig ni Sanchez ay nagsilbing inspirasyon at sorpresa, hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo.
“Excellence knows no boundaries. The power of music uplifts us all.
The entire Filipino people have united in admiration and enthusiasm over the performances of Jessica Sanchez in ‘American Idol.
’ Her perseverance and passion have inspired and surprised not just America, but the whole world with a voice that is as powerful as it is stirring,” aniya.Idinagdag ni Valte na dapat maging aktibo sa pagboto ang mga Filipino sa US bilang suporta kay Sanchez.
“Jessica inspires us to pursue excellence in everything we do—no matter how big or small the stage may be.
As we move on to the final stage of the competition, we stand in solidarity with Jessica Sanchez as she shows the world what Filipinos are capable of,” aniya pa.
Makakalaban ni Sanchez sa finals si Phillip Phillips nang matanggal si Joshua Ledet dahil sa baba ng boto.
Naniniwala naman si Sen. Gregorio Honasan na si Sanchez ang karapat-dapat na maitanghal na American Idol.
Ayon kay Honasan, anuman ang maging pinal na resulta ng botohan, si Jessica ang tunay na panalo para sa kanya.
Sinang-ayunanan naman ni Sen. Sergio Osmeña na isang malaking karangalan para sa Pilipinas na isang may lahing Pilipino ang nakapasok sa finals ng sikat na singing contest.