Nasaan ang Atlantis?

(Paraiso nina Eba’t Adan natukoy na!)

Ni Bella Cariaso

Third of a series

NAG-ALOK si Z.A. Simon ng mas makatotohanang mapa hinggil sa parihabang isla na tinukoy ni Plato na may sukat ng 2,000 at 3,000 stadia na matatagpuan sa rehiyon ng Bahamas.

Si Prof. Arysio Nunes dos Santos, Ph. D. sa Nuclear Physics, Free-Docent, at Professor ng Nuclear Physics sa Federal University of Minas Gerais, Brazil ay 30 taon nang nagsasaliksik kaugnay ng Atlantis.

Ayon sa kanya, hindi makita-kita ang Atlantis dahil sa maling lugar ito hinahanap.  Ayon kay Santos, nang magsalita si Plato hinggil sa karagatan ng Atlantis, hindi niya tinutukoy ang karagatan na ngayon ay tinatawag nating Atlantic Ocean, bagkus ay ang buong karagatan na pumapalibot sa Eurasia at Africa.Kaya’t ayon kay Santos, ang Atlantis ay talagang matatagpuan sa Indo-Pacific Ocean, na siyang karugtong ng Atlantic Ocean.

Nadiskubre umano ni Santos ang isang buong kontinente na lumubog sa rehiyon ng Indonesia, na kanyang pinangalanang Lost Continent of Atlantis.

Noong Pebrero 2005, ang mananaliksik naman na mula sa Canberra na si Raimy Che-Ross ang naghayag na nadiskubre niya ang nawawalang lungsod ay nasa bahagi ng Malaysia.

Isang paglalayag naman ang isisagawa ng isang grupo ng eksperto at  ng Malaysia Centre For Remote Sensing (Macres) satellites.

Sa South India at Sri Lanka, pinagtatalunan naman ang “Kumari Kandam” (nangangahulugan ang kandam ng kontinente sa Tamil), na pinaniniwalaang lumubog sa ilalim ng dagat.

Ang mga kwento tungkol sa kontinenteng ito ay katulad ng sa Atlantis. Ito ay tinawag na “Cradle of Dravidians.” May kwento naman na ang “Kumari continent” ay ang Lemuria.

Sa gulpo ng Cambay, mayroon umanong isang archeological submarine site ng isang dating isla na ang tawag ay Dwaraka, na konektado sa lokasyon ng Indian mythology (partikular ang Mahabharata), na tinalakay sa Atlantis.

Ngunit ang petsa nito na 1,500 BC ay masyadong malayo kumpara sa totoong lokasyon ng Atlantis, na batay sa petsang sinabi ni Plato ay noong 9,600 BC.

Samantala, umani naman ng batikos mula sa scientific community ang teorya na ang lungsod ng Atlantis ay nasa Antarctica. Batay sa teorya, lahat ng mga kontinente at karagatan ay nagsasama-sama na nagreresulta para sa sinaunang South Pole na maging bahagi muli ng karagatan.

Natutunaw umano ang malaking bahagi ng Antarctica, na maaari nang tirhan ng mga tao.

Paraiso, pulo ng Pinagpala

Para sa maraming tao, ang Atlantis ay iniuugnay sa panahon na kung kailan nilalang ang tao at Isles of the Blessed o Pulo ng mga Pinagpala, kung saan napupunta ang mga namatay.

Dahil dito, masasabi nga bang ang Atlantis ay isang paraiso sa mundo?

Bukod sa  sinasabing ang Atlantis ay ang Paraiso ni Eba,  inihahalintulad din ang Atlantis sa lugar kung saan nagtutungo ang kaluluwa ng mga yumao.

Hindi naman, kataka-taka ang pagkakaugnay ng dalawang paniniwala.

Kung ang buhay ay nagsimula sa Atlantis, nararapat lamang na dito rin pupunta ang mga kaluluwa matapos humiwalay sa kani-kanilang mga katawan.

Sa mga sinaunang mundo, ang mga namatay na nilalang ay nasa kanluran.

Parte ng kadahilanang ito ay dahil sa simbolismo na ito ang direksyon kung saan lumulubog ang araw.

Ngunit may mas matinding rason hinggil dito.

May paniniwala ang mga sinaunang kultura na sa pagtawid ng karagatan papuntang kanluran ay ang daan papunta sa pinagpalang pulo na siyang tahanan ng mga yumao.

Ito ay iniuugnay nila sa Fortunate Islands, ang Elysian Fields o ang Garden of the Hesperides.

Ayon sa may-akdang si Lewis Spence, ang mga sinaunang tulang Griyego ay nagpapahiwatig hinggil sa mga masasayang ispiritu ng mga yumao na mas malayo sa pagpasok sa  Mediterranean, sa mga pulo sa gitna ng River Oceanus.

Ang Pindar, sa ilalim ng impluwensiya ng Orphic ay maaaring nagpapahiwatig bilang lugar ng destinasyon para sa mga mabubuting tao.

Doon, sinasabi niyang ang karagatan ay humihinga sa isla ng mga pinagpala, tumawa ang mundo na may ginintuang bulaklak, at ang mga mabubuti ay abala sa pangangabayo at pakikinig sa mga awitin.

Sa libro naman na Mystery of Atlantis, ipinahiwatig naman ng may-akdang si Charles Berlitz  ang paraiso sa kanluran sa pamamagitan ng pagsasabing ang Welsh at ang sinaunang Ingles ay nagtuturo sa karagatan sa kanluran bilang kanilang paraiso sa mundo na kanilang tinawag na Avalon.

Inilagay naman ng mga Babylonians ang kanilang paraiso sa karagatan sa kanluran at ito ay tinawag nilang Aralu, samantalang naniniwala ang mga taga Ehipto na ang paraiso ng mga kaluluwa ay nasa malayong kanluran, sa gitna ng karagatan at kabilang sa mga ipinangalan dito ay AAU, o Aalu, gayundin ang Amenti.

Ang mga tribo naman ng Celtic ng Espanya, gayundin ang Basques ay pinreserba ang tradisyon ng kanilang pinanggalingan sa karagatan sa kanluran at ang mga orihinal na Gauls ng France, partikular ang mga nasa kanlurang bahagi ay nagsasabing ang tradisyon ng kanilang mga ninuno ay galing sa gitna ng kanluran ng karagatan dahil na rin sa resulta ng trahedya na tumapos sa kanilang lupain.

Ang koneksyon sa pagitan ng Atlantis at ang paraiso ay ipinaliwanag ni Spence sa pamamagitan ng mga katagang ito: “There are however good grounds for believing that the whole idea of the continued existence of souls after death in the West arose out of the memory of Atlantis.

Indeed we find it believed in by all the races who must have in some degree acquired the Atlantean civilization.”

Ang mga Celts, na matagal nang konektado sa mga Iberians ng Espanya ay may paniniwala na ang lugar ng mga patay ay matatagpuan sa Atlantic.

Gayundin ang paniniwala ng mga Griyego, Romano at Cretans.

Ang katotohanan na ang buong Western at Mediterranean Europe ay nagtuturo sa kanluran bilang lokasyon ng Great Island of the Dead, ay isang malaking pruweba na kinokonsidera nila ito bilang kanilang sinaunang tahanan na kung saan nanggaling ang kanilang relihiyon at cultural.

Ang isa pang kapansin-pansin na anomalya ay sa kabilang bahagi ay matatagpuan ang Atlantic Ocean. Para sa mga Amerikano, ang kanilang mga diyos ay galing sa kabilang direksyon o sa silangan.

Para sa mga Aztecs, ang paraiso para sa mga pinagpala ay nasa kanluran, at para sa mga Chinese, ito ay sa silangan din.

Ngunit para sa sibilisasyon para sa mga sinaunang Amerikano, ang Atlantis ay papunta sa silangan, na nangangahulugan lamang na ang Atlantis ay ang paraiso.

Base sa impormasyon, ang mga pangyayari na nakatala sa Bibliya at iba pang sinaunang mga aklat sa silangan ay naganap sa Atlantis. Ito ang paraiso sa mundo na tinutukoy sa Bibliya.

Tumira ang Creator o Maylikha sa lugar na ito, kasama ang mga kakaibang mga kaluluwa, na nabuhay sa kanilang mga katawan sa loob ng maraming daang taon na kung saan ang kanilang mga katawan ay mas malalaki sa mga modernong nilalang.

Ngunit sa labas ng Atlantis, ay nakatira ang ibang klase ng mga tao, na tinawag ng mga makabagong scientists bilang palaeoanthropus.

Ayon dito, si Cain na nabanggit sa Bibliya ay napalayas dahil sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Abel; natagpuan niya ang mga taong ito at nag-iwan siya dito ng maraming lahi.

Malaki ang pagkakaiba ng katawan ng mga Atlanteans, kumpara sa mga taong palaeoanthropus.

Kung makakita sila ng ibang tao mula sa ibang kontinente, sila ay ginagawa nilang Diyos.

Sinasabing ang mga makabagong tao, bukod sa ilang grupo ay produkto ng pinaghalong lahi ng mga Atlanteans at paleoanthropus.

Tinawag ang Atlantis bilang paraiso sa mundo hindi lamang dahil ito ay matatagpuan sa isang kakaibang climatic zone (ang Atlantic Ocean ay nasa latitude ng Mediterranean Sea), kundi ang mga Atlanteans ay may matataas na karunungang ispiritwal at sila ay pamilyar  sa mga paraan ng spiritual self-development.

Ngunit sa paglipas ng panahon sa paraiso, lumabas ang mga pangit na pag-uugali nang magsimula ang mga tao na talikuran ang kanilang ebolusyon, naging mapagmataas, naging uhaw sa kapangyarihan, nagnais na iproklama sila bilang mas makapangyarihan at nilapastangan ang Diyos.

Ang pangyayaring ito ay naging nakakatakot na kung saan ang mga maraming Atlanteans ang nagtaglay ng kapangyarihan na ginamit nila sa kasamaan na siyang dahilan para manganib ang mundo.

Ang mga maiitim na mahika ay naging talamak at ang mga tao ay naging lapastangan.

Dumating ang panahon na ang Diyos ay nagdesisyon na tapusin na ang paraiso.

Napagdesisyon ng Diyos na sirain ang Atlantis.

Ang mga Atlanteans na nananatili ang paniniwala sa Diyos ay binalaan sa kanyang gagawing pagsira sa kontinente.

Sila ay lumikas papuntang Amerika,  Europa, Africa at Asia.

Doon ay nakita nila ang bagong sentro ng mataas na ispiritwal na kultura.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Amerika, Egypt, Tibet.

At nangyari ang paglubog ng Atlantis sa karagatan.

Read more...