Maraming magkakasala pag naging pari si Dingdong | Bandera

Maraming magkakasala pag naging pari si Dingdong

Ervin Santiago - March 08, 2015 - 02:00 AM

dingdong dantes
MAGSISIMULA na ngayong Lunes (Marso 9) ang pinakabagong serye ng GMA na Pari ‘Koy na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa halos dalawang dekada ni Dingdong sa industriya, first time niyang gaganap bilang isang pari kaya naman excited na siyang makita ito ng mga manonood, “I’m very much happy and excited about this project. Father Kokoy is an unconventional priest na madaling lapitan at nakikihalubilo sa mga tao kumbaga siya ang people’s priest.”

In fairness, bagay pala kay Dingdong ang maging pari, pero sabi nga ng ilang fans niya sa social media, kung sa totoong buhay daw ito nangyari, tiyak na maraming magkakasala! Ha-hahaha! Baka raw hindi na makinig sa misa ang mga tao dahil nakatitig na lang sa kanya ang mga nagsisimba.

Tulad ni Dingdong ay masaya rin ang direktor ng programa na si Maryo J. Delos Reyes na makapaghandog ng ganitong klaseng programa, “After all the problems that our world is encountering, I think we all need something like this to inspire us, to strengthen our faith not only in God but in ourselves and our fellow men.

Maganda itong pagkakataon para bigyang inspirasyon ang bawat isa.” Bukod kina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindsay de Vera, Jillian Ward at David Remo, ilang celebrity artists pa ang dapat abangan sa serye.

Una nga sa listahan ng mga guest artists na mapapanood sa pilot week ng serye ay ang mga nakasama ni Dingdong sa Starstruck na sina Mark Herras, Mike Tan, Sheena Halili at Kris Bernal. Dagdag pa rito sina Andrea Del Rosario, Jak Roberto, Vincent Magbanua at Leandro Baldemor.

Abangan ang Pari ‘Koy simula Lunes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending