Daniel Padilla balik-school sa 2016; titigil muna sa showbiz

karla estrada
Ang super”seksing” mama ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang isa sa celebrity contender para sa reality (impersonation) show ng Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Marso 14, Sabado at 15, Linggo sa ABS-CBN.

Kilalang kontesera si Karla at ang motto niya ay never give up kaya naman maski na hindi siya nakapasa sa blind audition ng The Voice Season 2 ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa at muli na naman siyang sumali ngayon sa Your Face Sounds Familiar.

Aminado ang dating singer-actress na looking forward siya sa programa dahil kanta-kantahan ito na talagang forte niya, ang worry lang niya ay kung sino ang gagayahin niya dahil palabunutan ang sistema ng show na pagalingan nga sa pag-i-impersonate.

Sabi ni Karla masaya siya na nakabalik na uli siya sa TV, “Nag-decide na ako kasi alam ko namang ikatutuwa niya (Daniel) ito kasi alam niyang gusto kong magkaroon ng (trabaho), kasi di ba, apat na taon na siyang…siya ‘yung nagtatrabaho, mayroon akong pakonti-konti, pero parang (kulang).

“Of course, masarap pa ring pakinggan na hindi lang siya ‘yung bread winner kundi kaming mag-ina ang nagtutulungan. Nu’ng in-explain ko sa kanya, umokey naman kasi ayaw niya talaga.

“Yung isang kapatid nga niya, ‘yung bunso, si Carmela kinukuhang mag-artista para sa bagong show, hinindian niya, solong serye sana, sinabi ni DJ na huwag, ayaw niyang parang package deal.

Sabi ko, ‘anak hindi naman kasi iba naman, e, sabi niya, ‘pag-aralin mo ‘yung mga babae, pagtapusin mo na muna.’ Kaya sabi ko, okay,” natatawang kuwento ni Karla.

Sa kabisihan ng batang aktor ay hindi nito maisingit ang pag-aaral at ayaw naman daw nito ng online, “Filmmaking sa UP ang gusto niya, ayaw niya ng home school, gusto niya regular school, gusto no’n nasa loob ng paaralan.

“Kaya sabi ko, ‘sige anak bigyan mo pa sarili ng isang taon, tantiyahin natin baka sa susunod na taon puwede ka ng pumasok, this year kasi walang bakante, magtatrabaho siya hanggang first quarter ng 2016,” say ni Karla.

Samantala, natanong ang aktres kung nakikinita ba niyang magtatagal ang kasikatan ni Daniel, “Nang mag-umpisa siya, nakita ko na tatagal siya, hindi dahil anak ko siya.

Ang tagal ko na rin sa industriya at nakita ko na ang mga panandalian at magtatagal,” ani Karla.Sa nakaraang guesting nina Kathryn Bernardo at Daniel sa Gandang Gabi Vice ay naging bayolente ang KathNiel fans kay Vice Ganda dahil ang ikli lang daw ng exposure ng dalawa, bagay na ikinatampo naman ng GGV host.

Paliwanag ni Karla, “Alam mo sa rami nila (KathNiel fans), hindi ko talaga kayang isuheto, apat nga lang na anak, ang hirap.  Doon na lang ako sa respetuhan na lang.

“Bilang nanay ng lahat, nag-tweet ako na huwag tayong ganu’n, marami tayong dapat ipagpasalamat kaysa ireklamo at nabasa nilang lahat iyon,” paliwanag ni Karla.

“Hindi pa rin kami nag-uusap ni Vice kararating ko lang noong isang araw, wala namang problema kasi nandoon nga ako sa birthday niya, saka masyadong mababaw ‘yun para sa pinagsamahan namin at sa pagmamahal niya sa mga anak ko.

“Oo walang problema ‘yun, si DJ lang ‘yun, sabi ko puntahan mo na si tito Vice mo at yakap-yakapin mo na doon, ganu’n lang,” kuwento pa ni Karla.

Read more...