Hirit ni Lea Salonga na mandatory IQ, EQ test sa gagamit ng Internet kinontra

IN exasperation perhaps because she is being always bashed on social media, merong pakulo itong si Lea Salonga sa Twitter.

Just recently, she asked, “Agree or disagree: mandatory IQ and EQ testing before giving someone Internet access. What do you think?”

Siyempre pa, walang nag-agree kay  Lea. Sino naman kaya ang sira ulong kakampi sa kanyang very discriminatory suggestion na ‘yon. Apparently,  Lea is so pissed off sa mga namba-bash sa kanya kapag meron siyang ipino-post na message.

Merong mga sumagot sa kanya at isa ang nagsabing paano naman ang kanyang nakababatang kapatid na mayroong problema sa development functions.

Ang tingin niya ay napaka-discriminatory ng suggestion ni Lea at lubhang maaapektuhan ang mga disabled na tao. Parang pinalalabas niya kasi ang matatalinong tao lang ang dapat na magkaroon ng access sa Internet.

Nagpaliwanag naman kaagad si Lea na hindi niya intensiyon na pigilan ang mga disabled people na magkaroon ng internet access. Ni sa hinagap ay hindi niya ito naisip.

What was she thinking? That intelligent people like her should only be the ones na dapat magkaroon ng access sa Internet?

A case in point, maraming matatalino at well educated pero they are the biggest crooks. Matatalino sila, mayayaman pero they end up as thieves in government.

Read more...