PUERTO PRINCESA — Muling tinanghal bilang PBA slam Dunk champion si Meralco Bolts guard Rey Guevarra sa ginawang taunang kontes.
Ang kaibahan lang ngayon, hindi niya kailangang i-share ang award sa kapwa kalahok gaya noong isang taon na nakatabla niya sa titulo si Justin Melton ng Purefoods Star.
Naka perfect score si Guevarra nang gawin nito ang between-the-legs jam mula sa baseline.
Unang nakatabla ni Guevarra ang Ginebra player na si Japeth Aguilar sa finals bago tuluyang iwanan ni Guevarra ito.
MOST READ
LATEST STORIES