Sana nga ay matuloy na ang pagbabalik ni Claudine Barretto sa pag-arte. Totoo kasing miss na miss na siya ng kanyang fans na mapanood sa TV o big screen.
Ang balita, nasa planning stage na ang comeback film ni Clau-Clau na ididirek daw ni Wenn Deramas. Ito bale ang reunion project ng dalawa – huli silang nagkatrabaho sa seryeng Walang Kapalit (2007) ng ABS-CBN.
Ang nasabing pelikula ay may working title na Pinilit Kong Limutin Ka. Good news ito para sa fans ni Clau.
MOST READ
LATEST STORIES