Nash Aguas may huling pasabog sa Bagito

nash aguas
MAS hihigpit na ang pagyakap ng viewers  sa huling linggo ng top-rating primetime series ng ABS-CBN na Bagito ni Nash Aguas. Ang finale episode na pinamagatang “The Last Embrace” ay mapapanood na sa Marso 13 (Biyernes).

Sa kabila ng naging desis-yon niya na ibalik ang batang inakala niyang anak niya kay Vanessa (Ella Cruz), handa na si Drew (Nash) na kalabanin ang tunay na ama ni Baby Alby na si Ralph (Alex Diaz) upang protektahan ang batang minahal at inalaagaan niya mula sa iresponsableng tatay nito.

Ano ang gagawin ni Drew para mapatunayan na hindi inaalagaan nina Vanessa at Ralph nang mabuti si Baby Alby? May pag-asa pa ba siyang mabawi si Baby Alby sa kabila ng katotohanan na hindi siya ang totoong ama nito?

Samantala, may back-to-back fans’ day naman na regalo ang buong cast ng Bagito ngayong weekend (Marso 7 at 8) bilang pasasalamat sa  viewers ng top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN mula nang umere ito noong Nobyembre.

Samahan sina Nash, Ella, Alexa Ilacad, at Gimme 5 sa “Panagbenga Kapamilya Karavan” ng ABS-CBN Regional ngayong Sabado, 4 p.m. sa Melvin Jones Grandstand sa Burnham Park, Baguio City, at sa Bagito farewell mall show ngayong Linggo, 5 p.m. sa Ayala Fairview Terraces.

Huwag palampasin ang mga huling linggo ng Bagito, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read more...