Ate Guy wagi ng 2 Best Actress trophy sa 2015 Pasado Awards

nora aunor
AFTER ng matagumpay na pagpapalabas muli ng restored classic film na “T-Bird At Ako” starring Star For All Seasons Vilma Santos at ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor, heto’t kaliwa’t kanan ang blessings na dumarating kay Mama Guy.

One of which ay ang back-to-back win niya as Best Actress for “Dementia” and “Hustisya” sa nalalapit na PASADO Awards – the very first in film history kung saan isang aktres ang nag-tie sa dalawang pelikula for a major award.

Nakakaloka, di ba? Nag-tie siya as Best Actress in one award-giving body?  Ganoon kagaling ang nanay natin – ibang klase talaga.”Parang sa buong mundo yata ay first time nangyari ito.

Hindi lang sa Pinas. I-Google mo nga kung merong ganiyan sa ibang bansa. Merong na-nominate in two categories halimbawa, one for Best Actor or Best Actress and one for Supporting pero to be nominated in two films and winning in both – kakaiba iyon.

Si Nora Aunor lang ang kayang gumanon,” sabi ng isang die-hard Noranian. In fairness, wala pa nga tayong narinig na ganoong klase ng double victory for an actress – si Nora Aunor lang for the very first time.

Igagawad nila ito sa mahal nating Superstar na si Nora Aunor come April 11.Anyway, speaking of our dear Mama Guy, makakasama namin siya ni Michael Pangilinan mamayang 6 p.m. na mag-judge sa Parade of Lights sa Tanauan City, Batangas sa imbitasyon ng butihing mayor nilang si Thony Halili along with Ms. Bebot Amat, head ng community affairs ng nasabing siyudad sa suporta rin siyempre ng mahal kong Rotary Club of Tanuan kung saan isa ako sa honorary members nila.

Every year itong ginaganap sa Tanauan City na talagang dinarayo pati na ng mga mamamayan sa karatig-bayan nila. Last year ay sina Dra. Vicki Belo, Ms. Melanie Marquez and Patrick Garcia ang kinuha naming judges and this time ay ang nag-iisang nga nating Superstar.

“Mukhang mahihirapan tayong maghanap ng judge next year kasi ultimate na ito – Ms.  Aunor na ang judge this year. Sana may malaking artistang makakadalo next year, mahirap kasing sundan ang taong ito with the Superstar as honorary guest.

Ha-hahahaa!” ani Kuya Manny Lascano, isa sa mga rotary officers namin.”Excited akong madalaw ulit ang Tanauan. The last time na nakapunta ako diyan ay sobrang tagal na, hindi ko na maalala sa sobrang tagal pero nakapunta na ako diyan long time ago.

Ngayon ay makakasama ko na naman ulit ang mga kababayan natin na pinamumunuan ng kumare kong si Vi. Kasama ko pa ang anak kong si Michael na sobrang mahal ko. Pakantahin mo siya ng ‘Pare…’ ha!” birong lambing ni Mama Guy.

Why not, di ba? Ang Superstar na ang humihiling na pakantahin si Michael, aangal pa ba si bagets? “Excited din akong makasama ulit ang Nanay Nora ko.

Last year pa yata kami huling nagkita – sa premiere ng movie niyang ‘Hustisya’ sa CCP. Tagal na rin. Busy kasi kami pareho kaya bonding time na naman kami ng Nanay Nora ko.

Don’t worry, kahit ilang kanta pa ang iri-request niya gagawin ko. Kahit 84 songs pa. Ha-hahaha!” biro naman ni Michael.
“Kita-kita na lang tayo sa Tanauan City mamayang gabi.

Basta darating kami riyan kaya huwag kayong mawawala ha,” pakiusap ni Mama Guy.

Read more...