ITATANONG ko lang po sana kung pwedeng gamitin nang sabay ang SSS at Philhealth Maternity kapag manganganak na po ako.
Hindi pa naman ako buntis sa ngayon pero gusto ko lang maging handa pagdating ng araw na iyon.
Voluntary po ang SSS ko at mag-aaply pa lang po ako ng Philhealth na voluntary din. Salamat po. Godbless.
Joan
REPLY: Ito ay patungkol sa iyong katanungan para sa SSS. Maganda ang iyong plano, Ms. Joan, na ngayon pa lamang bagaman hindi ka pa buntis ay pinaghahadaan mo na ang iyong pagbubuntis para pagdating ng panahon na mabuntis ka na ay alam mo na ang mga benipisyo na maaari mong makuha.
Para sa iyong katanungan kung pwede mong gamitin nang sabay ang SSS maternity benefits at Philhealth: pwede mo itong gawin!
Ang Philhealth ay ginagamit para sa diskwento sa ospital na plano mo na manganak habang ang SSS maternity benefits naman ay bayad sa leave sa nanganak na.
Ang benipisyo na maaaring makuha sa SSS ay depende sa iyong hulog. Halimbawa, kung ikaw ay naghuhulog ng P550 a month at may six months na contributions at kapag nanganak nang normal ay maaari kang makakuha ng P10,000 habang P12,500 kapag caesarian operation.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.