Juday umaming nagtampo sa ABS: Pero OK na!

JUDY ANN SANTOS

JUDY ANN SANTOS

NATURAL lang ang magkaroon ng tampuhan sa mga magkakapamilya. Ito ang naging pahayag ni Judy Ann Santos tungkol sa lumabas na ulat dito sa BANDERA na muling sumama ang loob niya sa ABS-CBN.

Ayon kay Juday nang makaharap ng entertainment media sa pocket presscon ng bago niyang teleserye sa Dos, ang Someone To Watch Over Me, maliit na tampuhan lang daw ‘yun at agad din namang naayos matapos siyang makipag-usap sa mga bossing ng network. Nagsimula ang issue noong bigla na lang tsugihin sa ere ang second season ng Bet On Your Baby.

“Yung tampo naman with ABS-CBN, come and go naman siya, ‘di ba? Bilang artista at nagtatrabaho sa kanila, ako ay isang empleyado lang. May pagkakataon na hindi mo maiiwasan na magkaroon ka talaga ng tampo sa mga boss mo.

“Pero lahat naman ‘yon naaayos kapag napag-uusapan. Yes, nagkaroon ng tampo, pero maliit lang. Maliit na bagay na napag-usapan din naman namin after a while,” paliwanag pa ng Soap Opera Queen.

Dagdag pa niya, “Ganu’n lang din naman talaga kami. Siguro may mga pagkakataon na dumarating yung time na ‘yon para maging open kayo sa isa’t isa at kung ano yung puwedeng ‘di na maulit sa susunod. Maliit lang. It’s still part of work. It’s still part of me with ABS-CBN.”

“And obviously, we’re okay now. We have projects coming.  May mga bagong proyektong puwedeng maluto along the way. Ano lang ‘yon, paano ko ba sasabihin…wala namang isyu sa trabaho. It’s the relationship, basically,” paniniguro ni Juday.

For the first time ay makakatambal ni Juday si Richard Yap sa Someone To Watch Over Me. Una ring nagkita at nagkakilala sina Juday at Ser Chief sa story conference ng nasabing serye nu’ng Miyerkules.

“Siyempre, nandoon yung paano ko ba sisimulang makipag-usap. Kilala ko naman si Richard Yap by Be Careful With My Heart and Papa Chen.

“So, I’m also excited to know him better, kasi we will be working with each other twice or thrice a week. Wala naman akong masyadong takot, kasi feeling ko naman, hindi siya nangangagat,” kuwento pa ni Juday.

Feeling ba ni Juday malakas din ang magiging chemistry nila ni Richard on screen? “Ako, I believe that chemistry just happens, e. It happens through friendship. It happens through working with each other over time. We will work for it.

“But I guess, hindi masyadong matindi, kasi baka kapag tinindihan namin, maging seryoso ang dating namin sa isa’t isa,” esplika pa ng nag-iisang Reyna ng Teleserye.

Read more...