Dingdong isusugal ang career sa pagganap na pari

DINGDONG DANTES

DINGDONG DANTES

Malaking risk naman for Dingdong Dantes ang latest soap niya after nga nitong mag-asawa.

Ito kasi yung serye na hindi lang pagbabagong-bihis as an actor ang gagawin niya kundi ito rin ang maghuhudyat na magagawa niyang magbida kahit wala siyang leading lady.

Pari ang role ni Dingdong sa soap na ididirek nga ni Maryo J delos Reyes (himself once a seminarian) at napaka-wholesome daw ng peg nito as it tackles everyday living of ordinary people.

“Sa dami ng mga kalamidad at mga problema sa mundo, natural o manmade, we need a show like this. Back to basics kumbaga,” sey ni direk na naniniwalang keri ni Dingdong na iangat ang kanyang estado bilang top leading man kahit walang ka-loveteam.

Hirit naman ng mister ni Marian Rivera, “Tinanggap ko ito for many reasons like sanay na ako kay direk Maryo. Maganda ang role at bago ito para sa akin. Totally different sa lahat ng nagawa ko na. Very wholesome at family oriented, punumpuno ng values at makakasama ko dito ang halos lahat ng mga GMA artists na gusto kong makatrabaho.”

Bukod nga sa ibang cast members ng serye like Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, JC Teuseco, Chanda Romero, Luz Valdez, Rap Fernandez, Jeric Gonzales, Hiro Peralta at iba pa, marami pang Kapuso stars ang magkakaroon ng guest appearance sa iba-ibang episodes.

Read more...