Magka-BF ang birthday wish

Sulat mula kay Nicole Dandan, Kabasalan, 

Zamboanga del Sur
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na April 16 ay 25 na ako. Ang problema ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit minsan.
Nagtataka nga ako sa aking kapalaran dahil sabi naman ng nanay ko ay maganda.
Bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend?
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kung saan ko makikilala ang lalaking una at huling magiging boyfriend ko.
Gusto ko po kasi na sa taong ito ay magka-boyfriend na ako. Mangyari kaya ang birthday wish ko na ito?

Umaasa,
Nicole ng Zamboanga del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Huwag kang mag-alala, Nicole, dahil kitang-kita naman ang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap ay magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.

Cartomancy:

Two of Hearts, King of Clubs at Six of Hearts, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa June ay magkaka-boyfriend ka na at magiging maligaya.
Itutuloy…

Read more...