Jodi nakunsensiya sa nangyari kay Jolo kaya 24 oras nagbabantay sa ospital

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

Maswerte si Jolo Revilla dahil bukod sa kanyang pamilya ay nandiyan din ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria para magbigay ng lakas ng loob sa kanya para patuloy na lumaban sa buhay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Jodi tungkol sa nangyari kay Jolo, pero hindi ito nagkukulang ng suporta sa kanyang boyfriend. Balitang hindi pa rin umaalis sa tabi ng aktor-politiko ang Kapamilya actress simula nang aksidenteng mabaril si Jolo sa loob ng kanilang bahay.

Ito’y sa kabila nga ng kumakalat na chika na isa raw sa naging sanhi ng depresyon ni Jolo ay ang lagi nilang pag-aaway ni Jodi. Ayon sa mga chika, nakunsensiya raw si Jodi sa nangyari kay Jolo kaya bumabawi ito sa pamamagitan ng pag-aalaga rito sa ospital 24 oras.

Sa katunayan, ang aktres din ang nagsabi sa mga doktor ng biglang paglobo ng tiyan ni Jolo, na hanggang ngayon ay naka-confine pa rin sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City.

Hindi na isyu ngayon kung ano ang pinag-aawayan nina Jodi ay Jolo, ang mahalaga sila pa rin ang magkasama ngayon.

Read more...