Edu susuportahan si Ate Vi sa 2016 eleksiyon sa isang kundisyon... | Bandera

Edu susuportahan si Ate Vi sa 2016 eleksiyon sa isang kundisyon…

Ervin Santiago - March 05, 2015 - 02:00 AM

vilma santos
Parang hindi rin tumatanda ang veteran actor na si Edu Manzano. He’s turning 60 na sa darating na September 14 pero hindi mo ‘yun makikita sa kanyang itsura at tindig.

Nakachika ng entertainment media si Doods sa presscon ng bagong Primetime Bida series ng ABS-CBN, ang Bridges Of Love na pagbibidahan nina Maja Salvador, Paulo Avelino at Jericho Rosales, at puring-puri nga siya ng mga reporter dahil fresh na fresh pa rin ang kanyang itsura.

Samantala, natanong si Edu pagkatapos ng presscon tungkol sa napapabalitang pagtakbo ng kanyang ex-wife na si Gov. Vilma Santos sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections. Handa ba siyang suportahan si Ate Vi kung sakali?

“I would like to see kung ano ang magiging plataporma niya. Gusto ko makita kung sino ang makakasama niya. I’m saying ganoon kaimportante sa akin ang boto ko,” tugon ng TV host-actor.

“I’m not saying that she doesn’t deserve it but latagan mo ako kung ano ang vision mo, plataporma and show me who your friends are,” hirit pa nito.

“It all depends on electorate. Iba ‘yung national campaign. But I don’t know what her plans are but whatever they are I wish her luck,” chika pa ni Doods na umaming pinag-iisipan din  niya kung tatakbo siya sa susunod na eleksiyon.

Pero aniya, ie-enjoy muna niya ang kanyang pagbabalik sa akting, lalo na rito sa Bridges Of Love na magsisimula na sa March 16, “Dito kasi (sa showbiz) you have your freedom, kapag nasa telebisyon ka.

I mean this is a medium kung saan ako lumaki. Ang tagal ko na sa industriyang ito, ang ganda namang makapag-link up with old friends. So let me enjoy the moment huwag n’yo muna akong mamadaliin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending