PACQUIAO MAY TSANSA MANALO

PINAYUHAN ng beteranong boxing trainer na si James Gogue ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na huwag pakakawalan ang oportunidad na posibleng dumating sa kanya kapag nakaharap ang pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nakikita ni Gogue na may mahigit na 30 taon karanasan sa sport, na kayang saktan ni Pacquiao si Mayweather gamit ang kanyang mabibilis at malalakas na suntok.

“Manny has a puncher’s chance against Floyd Mayweather,” wika ni Gogue sa Fightsaga. “And if Pacman lands a punch that hurts Floyd, he’d better put him away. Because he’s not going to see that opportunity again for the remainder of the fight.”

Hindi rin kumbinsido ang beteranong trainer sa sinabi ni Freddie Roach na may mga nakuha siyang sparmates ni Pacman na makakatulong sa kanilang paghahanda para wakasan ang 47-0 karta nito.

Aniya, walang makakagaya sa istilo ni Mayweather dahil may kakayahan itong mag-adjust kapag nasa laban na.

“There are no fighters in the world who can imitate Floyd’s abilities in the ring. You can watch tape and work with guys who try to emulate Floyd, but it’s totally different once you get in the ring with him,” paliwanag nito.

Ang kakayahang magpalit ng istratehiya ang siyang numero unong arsenal ni Mayweather sa mga nakakalaban dahil nawawala sa focus ang katunggali kapag nakitang hindi umuubra ang kanilang pinaghandaan.

“His natural gifts enable him to change strategies at any given time within the fight. He uses his reflexes, athleticism, and high ring IQ to discourage his opponents. It’s called mentally breaking down your adversaries and Floyd does it to everyone in the ring,” paliwanag nito.

Nagsimula na sina Pacquiao at Mayweather sa kanilang paghahanda at sa Marso 11 ay magkakaharap sa unang pagkakataon matapos ianunsyo ang megafight na ito para sa isang press conference.

Samantala, hindi lang si Pacquiao ang naniniwalang kaya niyang talunin si Mayweather sa loob ng boxing ring.

Ito ay dahil marami ring tao ang naniniwalang kaya niyang daigin ang wala pang talong Amerikanong boksingero.

At ang ilan sa kanila ay pumupusta na nang malaking pera kay Pacquiao.

Kaya naman siguradong hindi madedehado sa pustahan si Pacquiao kay Mayweather pagdating ng kanilang laban.

“I’ve never seen Mayweather this low eight weeks out before the fight,” sabi ni Jimmy Vaccaro, na pumupusta sa lahat ng mga malalaking laban sa nakalipas na apat na dekada sa Las Vegas. “This is as close as we get to a legitimate pick ‘em fight since Mayweather fought (Oscar) De La Hoya.”

Pinaboran sa pustahan si Mayweather sa 2 1/2-1 nang ianunsyo ang laban.

“It’s a one-way attack on Pacquiao,” sabi pa ni Vaccaro. “We’re well into a six-figure loss right now if Pacquiao wins.”

Subalit puwede pa umano itong magbago dahil malayo pa naman ang laban.

Parehong sinimulan nina Pacquiao at Mayweather ang kanilang training camp kamakalawa kaya naman may pagkakataon pa ang mga pumupusta na pag-aralan kung kanino sila dapat pumusta.

Read more...