MARAMING mambabatas at Pinoy ang hindi makakapunta sa Estados Unidos para panoorin ang laban ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Sinabi ni Buhay Rep. Lito Atienza na kinontrol ni Mayweather maging kung sino ang mga makakapanood ng live sa laban kaya kahit na ang mga malalapit kay Pacquiao ay maaaring hindi makapanood.
Umaabot ang reselling ticket sa online sa halagang $22,441 o halos P1 milyon.
“Even if a travel authority is issued by the Speaker (Feliciano Belmonte), our colleagues who usually cheer and root for Pacquiao may no longer be there. Even Filipinos in the US are victims of Mayweather’s shrewdness,” ani Atienza.
Malabo na rin umano na makapamigay si Pacquiao ng tiket sa kanyang mga kasama na dati na nitong ginagawa.
Inakusahan ni Atienza ang kampo ni Mayweather ng pagbili ng maraming tiket ilang minuto matapos na ianunsyo na matutuloy na ang laban sa Mayo 2.
“It’s about business and of course Mayweather can also neutralize the fans of Pacquiao from cheering him during the fight because of the skyrocketing prices of tickets,” dagdag pa ni Atienza na kilalang malapit kay Pacquiao.
Inaasahang aabot sa $250 milyon hanggang $400 milyon ang kikitain ng laban na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas.