Ellen Adarna malaya na; pwede nang magpaligaw, makipag-date

GOOD news para sa lahat ng mga lalaking naglalaway sa kagandahan at kaseksihan ni Ellen Adarna. Pwede n’yo na siyang ligawan ngayon dahil balitang break na sila ng kanyang dyowang negosyante.

Ayon kay Ellen, last year pa sila naghiwalay ni Raoul Olbes na nakarelasyon niya ng mahigit dalawang taon, “Obviously, ‘yung first week, nakaka-miss, pero it’s better for us. Kasi, if you think hindi na puwede, that’s the time you have to decide,” chika ni Ellen sa isang interview.

Hirit pa ng sexy star, “Siguro, dumating ako dun sa point na I have to decide and ‘yun nga ‘yung decision. Wala na, break na. And may mga issues din kami na hindi na talaga naayos and mahirap na ayusin din. Alam naman niya kung ano ‘yung reason.”

In fairness kay Ellen, mabilis daw siyang nakapag-move on after the break-up, “Kasi na-experience ko na dun sa first boyfriend ko, for three years, after naming mag-break, super-cry talaga ako. Dinamdam ko talaga. Pero as time flies by, parang hindi na uso sa akin ‘yun.

“Kapag ayoko na, ayoko na and walang iyak-iyak. Kailangan move on kaagad! And besides, hindi naman kasi magiging ganu’n if walang reasons. Kaya naman nag-e-end ang relationships because may dahilan. And alam naman namin pareho yung reasons kung bakit nag-end na yung relationship.”

Kasabay nito, dinenay ng sexy actress na hindi si Ejay Falcon ang dahilan kaya nawasak ang relasyon nila ng kanyang ex, “And he (Raoul) knows naman na walang ibang party na involve kaya kami naghiwalay. If may darating, siguro date-date muna, wala munang commitment.”

Read more...