Senior citizen na taga QC kumobra ng P42.6M jackpot sa lotto

NANALO ng P42.6 milyon ang isang senior citizen na taga-Quezon City ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang jackpot winner ay nanalo sa bola ng Super Lotto 6/49 noong Pebrero 17. Nakuha niya ang mga numerong 16-23-19-20-25-30.
Pinili niya ang mga numero mula sa kaarawan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.  Siya ay 75-anyos, may-asawa at dalawang anak. May 10 taon na siyang tumataya sa lotto.
Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng manalo. Babayaran na umano niya ang kanyang mga utang at magbibigay ng donasyon sa simbahan at charity organizations bilang pasasalamat sa biyayang natanggap.
Magtatabi siya para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Read more...