Sorry na lang kay Beauty: Zanjoe loyal kay Bea

zanjoe marudo
Nakakaaliw si Zanjoe Marudo sa Dream Dad bilang si Baste dahil kung kailan siya nagkaroon ng karibal kay Beauty Gonzales bilang si Alex na ginagampanan naman ni Matt Evans bilang si Paul ay saka naman ito nagmadaling ligawan ang dalaga.

Kaya ang cute panoorin ng love triangle nina Baste, Alex at Paul sa nasabing serye na clueless naman ang huli na may gusto rin pala ang boss ng dalaga sa kanya.

In fairness, effective ang loveteam nina Zanjoe at Beauty, mabuti na lang at good boy talaga in real life si Zanjoe kaya kampante si Bea Alonzo na walang magaganap na love triangle in real life.

Samantala, kasama sa Kapamilya Karavan sa Panagbenga Festival sa Baguio City sina Zanjoe, Beauty, Baby (Jana Agoncillo) na gaganapin sa Melvin Jones Bridge Park, 4 p.m. ngayong Sabado.

Kaya sa mga sumusubaybay sa Dream Dad sa Baguio, abangan n’yo sila ngayong Sabado.

Read more...