LUIS, JENNYLYN: walang kasalan, walang lipatan ng TV NETWORK!

Todo denay na gusto nang magkapamilya

Walang kasalan at lipatan na magaganap sa relasyon nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Nasulit ng Showbiz Central for its fifth anniversary presentation ang first time GMA guest appearance ni Luis in time for Jennylyn’s birthday celebration.

Ang ingay ng nagdagsaang fans ng dalawa sa studio at “kesorific” naman sina Jennylyn at Luis sa kanilang pagpapa-tweetums kaya mas lalong nagsisigawan ang mga fans nila sa kilig.

Seriously though, Luis answered all the questions specially about their relationship.

Sa tsismis na nakita raw sila na nagtatanong about kasal sa isang church sa Batangas, nagulat din siya dahil hindi niya naman daw ito ginagawa – pa.Ayon kasi sa tsismis, parang nagtatanong na raw sina Luis at Jennylyn ng pagpapa-register para magpakasal. Wala pa naman ito sa plano nila.

As to lipatan dahil magkabilang networks nga sila, mas maayos na raw na magkahiwalay sila pagdating sa work as they have no intention yet of working together.

Isa pa, hanggang 2013 pa raw ang contract niya sa network niya na coincidentally ay same year din of expiration ni Jennylyn sa GMA naman.

Siguro by next year, masarap na ang dalawang tanungin ulit about this.

By the way, almost four years na palang crush ni Luis si Jennylyn, after she gave birth to Jaz.

Read more...