XIAN nababaliw sa mata at smile ni KIM

Bukod daw sa maganda, maunawain at mabait

MULING magsasama sa isang soap sina Xian Lim at Kim Chiu, kasama pa sina Enchong Dee at Maja Salvador.

Sa title pa lang kasi ng bagong soap na ito ng ABS kapatid na Ervin na Ina, Kapatid, Anak ay maku-curious ka na, di ba?

Tapos isama mo pa ang ilan pang mga bigating drama actors sa bansa, e, talagang susubaybayan mo ito.

Wala pa kaming gaanong information on this pero kung ito yung movie version na pinagbidahan noon nina Charito Solis, Lolita Rodiguez at Rio Locsin sa direksyon ni Lino Brocka, wow, bongga nga ito!

Tiyak na maraming fans nina Xian at Kim ang mag-aabang nito lalo pa’t napatunayan na rin ng magka-loveteam noon sa My Binondo Girl na klik na klik sila sa mga manonood. Sa tanong kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, “Hindi na kasi kailangan ng label.

Sa ngayon, labas-labas lang kami. At masaya kami kapag magkasama,” sagot ni Kim kasabay ng pagsasabing isa sa mga nagustuhan niya kay Xian ay ang pagiging hopeless romantic nito.

Si Xian naman, bukod daw sa mabait at maunawain si Kim, gustung-gusto rin daw niya ang mga mata nito at ang nakakatunaw na smile ng aktres.

Looking forward din kami sa pagbabalik sa primetime nina Enchong at Maja, na matagal nang pinatunayan sa atin ang husay nila sa drama.

Sana nga ay maging very successful ang soap na ito!

Read more...